October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Pablo,' deserve matsugi sey ni Elijah Canlas

'Pablo,' deserve matsugi sey ni Elijah Canlas
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Elijah Canlas (IG)

Karapat-dapat lang daw ang sinapit ni “Pablo” sa “FPJ’s Batang Quaipo” ayon mismo sa aktor na gumanap nito na walang iba kundi si Elijah Canlas.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Hulyo 12, sinabi ni Elijah kung bakit deserve ni Pablo na matsugi sa naturang primetime series.

“Nakuha na naman ni Pablo, ang karakter ko, 'yong deserve niya na parusa and that's death. So he just died recently for all the mistakes that he has done. Ako naman bilang aktor naniniwala rin ako na deserve din 'yon ng karakter na ginawa ko," pahayag ni Elijah. 

Gayunman, sa kabila na kaniyang pamamaalam, masaya pa rin naman daw si Elijah dahil na-enjoy niya raw nang sobra ang karakter na ginampanan niya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

"To be part of the number one show in the Philippines is a big blessing. It's an honor honestly. 'Yon nga rin po ang sinasabi ko sa buong team,” saad niya.

Dagdag pa ng aktor: “Ang tagal ko na rin naman pong nasa 'Batang Quiapo' parang since January, parang normal teleserye na naman 'yung pinag-stay ko roon. At marami rin po kasi akong gagawing kasunod."

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ng Dreamscape Entertainment ang pamamaalam ni “Pablo” sa “Batang Quiapo” kasama na ang karakter ni Yce Navarro.

MAKI-BALITA: Pablo, namaalam na sa 'Batang Quiapo;' Camille, 'di pa rin nanganganak