October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Luis at Jessy nag-react sa 'guidelines' ng mga taong hindi makakapasok sa langit

Luis at Jessy nag-react sa 'guidelines' ng mga taong hindi makakapasok sa langit

Nag-react ang nagbabalik-Kapamilyang si Jessy Mendiola sa TikTok video ng kaniyang mister na si Luis Manzano tungkol sa mga taong sinasabing hindi na makakapasok sa langit.

Ayon sa mga impormasyong na-search ni Luis sa Google, ang mga taong hindi raw makakapasok sa langit ay mga taong may tattoo, umiinom ng alak o alcoholic drink, kumakain masyado ng pork o karne ng baboy, at mga "short people."

Biro ni Luis, i-tag na raw ng mga netizen kung sino-sino sa mga tropa o kakilala nila ang malabo-labo nang makapunta sa langit kapag namatay na.

"Paano ba to, lahat meron ako." hirit ni Jessy.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pabirong tugon ng mister, "@jessymendiola - wala, slide slide nalang tayo sa rainbow."

Luis Manzano (@luckymanzano) • Instagram photos and videos

Inulan naman ito ng reaksiyon mula sa mga netizen.

"Slide-slide na lang tayo sa rainbow hahaha."

"Ay marami rami pala tayong hindi makakapasok sa heaven hahaha."

"May ibang paraan naman para makapunta sa heaven lalo na kapag nasa lupa pa hahaha."

"Pasabay na lang po kami sa slides hahaha."