September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Direk Joel Lamangan, nao-overwhelm bilang si 'Roda'

Direk Joel Lamangan, nao-overwhelm bilang si 'Roda'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN News, ABS-CBN Entertainment (YT)

Nagbigay ng pahayag ang award-winning director na si Joel Lamangan kaugnay sa mga reaksiyon ng tao sa karakter niyang si “Roda” sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest episode ng “On Cue” noong Biyernes, Hulyo 12, sinabi ni Direk Joel na nao-overwhelm daw siya sa mga nakakasalamuha niya at nakakasalubong.

Ayon kay Direk Joel: “Nao-overwhelm nga ako. Minsan nga, Diyos ko, hindi na ako mapakali kasi lapit nang lapit. ‘Roda, Roda!’”

“Alam mo ba sa bahay namin no’ng araw ‘pag bumababa ako, ang tawag sa akin ng mga bata: ‘Direk, direk!’ Ngayon hindi na. ‘Pag bumababa na ako: ‘Roda, Roda!’” wika niya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Tinatawag ko sila. ‘Halikayo! Kayo bastos kayo, ha. Hindi Roda ang pangalan ko. Rumespeto kayo. ‘Ano?’ [tanong ng mga bata]. Miss Roda,” dagdag pa ng direktor sabay tawa.

Gayunman, aminado si Direk Joel na nae-enjoy daw niya ang kaniyang ginagawa.

In fact, talaga dinivelop daw niya ang karakter ni Roda para sa serye mula sa pagiging mataray nito hanggang sa pagiging kasangga ng karakter ni Cherry Pie Picache na niloko ng asawa.