May 13, 2026

Home BALITA Metro

Babae, dinukot umano ng lalaking nakilala sa dating app

Babae, dinukot umano ng lalaking nakilala sa dating app

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na dinukot umano ng lalaking nakilala niya sa isang dating app.

Sa ulat ng ABS-CBN News, higit isang buwan nang nawawala si Irene Melican na isang accountant, ayon sa mga kaanak nito.

Bagaman naaaresto na noong Hulyo 9 ang suspek, pero hindi pa rin nakikita ang biktima.

Patuloy na nananawagan ang pamilya ni Melican sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Melican.

PHOTOS COURTESY: ABS-CBN NEWS

Metro

Family driver, ninakawan amo ng ₱640k halaga ng alahas; bisto matapos ibenta online