August 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ryan Bang nang paghubarin ni Karylle ng jacket: 'May asawa ka na!'

Ryan Bang nang paghubarin ni Karylle ng jacket: 'May asawa ka na!'
Photo Courtesy: Screenshots from Sonder (YT)

Nakakaloka ang hirit ni Ryan Bang sa kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Karylle nang sumalang siya sa latest episode ng podcast nito.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, habang binabalikan ni Ryan ang unang pagbisita ni Karylle sa condo niya, naitanong ng huli kung anong season sila pumunta noon sa South Korea.

“What season did we go to Korea? It was summer, ‘no? Mainit na mainit,” saad ni Karylle.

“Hindi naman sobrang init,” salag ni Ryan.

Pelikula

Pelikulang 'Dear Satan' ni Paolo Contis, papalitan ng titulo

“Mainit!” giit ni Karylle. “Hindi ba?”

“Mas mainit dito ngayon. Hindi mo sinabi mahina aircon dito, a.”

“Naka-off ba?” tanong ni Karylle na ang tinutukoy ay ang aircon sabay baling kay Ryan. “Do you really want to remove your sweater?”

“No, may asawa ka na, Ate Karylle. Pigilan mo ‘yong ano.” 

Dahil sa sinabi ng kaibigan, natawa tuloy si Karylle at ang mga tao behind the camera.

Anyway, hindi naman nakapagtataka ang ganitong biruan sa magkakaibigan lalo na’t lampas isang dekada na palang magkasama sa trabaho sina Karylle at Ryan.