September 13, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!
Photo Courtesy: Maris Racal (IG)

Hiwalay na raw ang celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco pagkatapos ng limang taon ng kanilang pagsasama.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Hulyo 12, inanunsiyo umano ni Maris ang breakup nila ni Rico.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye ang magkabilang panig tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

Matatandaang todo-suporta pa si Maris kay Rico noong Pebrero sa ginanap na reunion concert ng dati nitong bandang Rivermaya.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

MAKI-BALITA: Maris, todo-suporta kay Rico sa reunion concert ng Rivermaya

Samantala, inamin ni Rico noong 2021 sa isa niyang panayam kay showbiz columnist Cristy Fermin na si Maris umano ang kaniyang soulmate.