August 24, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Maris Racal, minanifest si Rico Blanco

BALITAnaw: Maris Racal, minanifest si Rico Blanco
photos courtesy: Maris Racal/IG

Ibinahagi ni Maris Racal noong Pebrero 19 ang kuwento kung paano niya minanifest si Rico Blanco.

Sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo, inamin ni Maris na bata pa lang daw siya ay idol na niya si Rico.

Ayon kasi kay Maris, ang mga kapatid niya raw ay fan talaga ni Rico lalo na ang kuya nitong may banda. Kaya eventually, naki-fan na rin daw siya sa mga ito. 

"And then no’ng nag-artista na ako, siguro mga ilang years na rin ako sa showbiz no'n, and then may nagtanong sa akin: 'Anong type mo sa lalaki?'" lahad ni Maris.

BALITAnaw

BALITAnaw: 10 pelikulang Pilipinong may wildest sex scenes

"Ewan ko. Parang gusto ko 'yong Rico Blanco na look tapos gusto ko ng music. Na mahilig siya sa music. And then, gusto ko ng... Actually younger version ni Rico Blanco," aniya.

Kaya naman, lagi na raw siyang nagpo-post privately na sana bigyan siya ni Lord ng younger version ni Rico.

“Like super crush ko talaga siya. Pero hindi ko naman inexpect na siya 'yong ibibigay ni Lord, hindi 'yong younger version," natatawang wika ng aktres.

25 taon ang agwat ng edad ang dalawa. Si Maris ay 27 years old pa lang sa darating na Setyembre samantalang si Rico naman ay 51 years old na.

KAUGNAY NA BALITA

Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?