December 23, 2024

Home BALITA National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:13 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 91 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat, na may lalim na 651 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa City of Tagum, DAVAO DEL NORTE.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.