July 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Relasyon nina Coco at Julia, kasal na lang daw ang kulang

Relasyon nina Coco at Julia, kasal na lang daw ang kulang
Photo Courtesy: Coco Martin (IG)

Kinagigiliwan daw ng publiko ang relasyon ng celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes dahil tila walang negatibo at puro pag-ibig lang ang mayroon sa dalawa.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Hulyo 9, pinag-usapan ni showbiz columnist Cristy Fermin at co-host niyang si Romel Chika sina Coco at Julia.

“Kung mayro’n man pong isang relasyon na tunay namang kinagigiliwan ng publiko ngayon, kanino ‘yan?” usisa ni Cristy.

Syempre kay Coco Martin at Julia Montes. ‘Yan talaga ang gustong-gusto natin. Talagang walang nega. Napakapositibo. Chill-chill lang sila. Love-love lang sila. Relax,” sagot ni Romel.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Aniya: “Kitang-kita naman natin, Nay. Talagang kasal na lang talaga. Ito ‘yong sinasabing kasal na lang ang kulang para tawagin silang mag-asawa. Kasi ang sweetness overload, ang pagpapakilig sa kanilang tagahanga.

“At ‘yong mga post talaga nila na alam mong nagkakaintindihan sila at talagang-talagang may nagbubuklod sa kanilang pag-ibig talaga,” dugtong pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay kinilig ang fans at kapuwa celebrity nina Julia at Coco nang i-flex ng huli ang kanilang larawan sa social media.

MAKI-BALITA: 'Tumatapang na ah!' Coco, flinex pagyakap kay Julia sa Espanya