October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn Bernardo, pinaparatangang playgirl

Kathryn Bernardo, pinaparatangang playgirl
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Pinagbibintangan daw si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo na isang playgirl ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Hulyo 7, naghayag ng pagkadisgusto si Cristy sa mga nababasa niya umanong post tungkol kay Kathryn.

“Hindi ko nagugustuhan ‘yong mga post ngayon na pinagbibintangan siyang playgirl. I’m sure hindi ‘yan mga taga-suporta ng KathDen. At hindi rin  mga tagahanga mismo ni Kathryn Bernardo, ni Alden [Richards],” saad ni Cristy.

Tanong tuloy niya: “Bakit ba kasi sinasabi na parang playgirl na si Kath ngayon?”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“Kasi nga naman, Diyos ko, kung sino-sino na ang mga lalaking nali-link sa kaniya. Si Piolo [Pascual], si Jericho [Rosales], Dominic [Roque], si Alden….si Donny [Pangilinan],” sagot ng co-host niyang si Romel Chika.

Hindi raw tuloy maiwasang malungkot ni Cristy sa ipinaparatang na ito ng mga netizen kay Kathryn dahil kung tutuusin ay iisa pa lang naman ang nagiging jowa nito.

“Si Daniel Padilla lang po, na hindi pa nagtagumpay,” aniya.

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang breakup noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng kani-kanilang social media post.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn