October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado (IG), ABS-CBN (FB)

Hindi raw totoong ang bali-balitang susulutin ng ABS-CBN ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa home network nitong GMA .

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Hulyo 5, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nakarating umano sa kaniyang tsika mula sa isang taga-ABS-CBN tungkol kay Jennylyn.

“May nakausap ako from ABS-CBN na sa Star Music lang talaga. For now ay hindi nila talaga naisip pang kunin si Jennylyn,” saad ni Ogie.

“Kasi nga syempre alam mo, ito nga ‘yong sabi ng souce ko: ‘Ogie, hindi naman maganda na may friendship ang ABS-CBN at GMA. Porke nawala sa GMA ay sasaluhin namin. Syempre hindi rin naman para isanla namin ‘yong friendship namin with GMA 7. Pwedeng mag-collab na mayro’ng teleseryeng bubuuin at ang produksyon ng ABS-CBN ang gagawa at ilalabas din sa GMA.. Pwedeng kuha tayong artista dito. May artista rin kami. Tulungan,’” pagbabahagi niya.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ayon pa kay Ogie, kumakalat daw kasi ang bali-balitang inaalok daw ng Dreamscape Entertainment si Jennylyn kaya pinabulaanan umano ng source niya ang tsikang ito.

“Hindi rin daw gagawin ‘yon ng Dreamscape [Entertainment] bilang respeto sa GMA. Kasi kung sakali lang na mayroong banggaan ‘yong GMA at si Jennylyn e hindi naman para sumali o sumawmaw o sumali ‘yong ABS,” aniya.

Matatandaang nauna nang nagbigay ng pahayag ang manager ni Jennylyn kaugnay sa napababalitang paglayas ng alaga sa GMA Network at posibilidad na lumipat ng ibang TV network.