October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jed Madela, tinawag nga bang ‘monkeys’ ang mga taga-ASAP?

Jed Madela, tinawag nga bang ‘monkeys’ ang mga taga-ASAP?

Usap-usapan ang mga naging pasabog ng dating manager ng Kapamilya singer na si Jed Madela, na si Annie Mercado, laban sa kaniyang dating alaga.

Sa latest Facebook post ni Annie araw ng Biyernes, Hulyo 5, sinabi niyang hindi raw sila “dumb” para hindi matukoy na sila umano ang pinatutungkulan ni Jed bagong nito kanta na “Wish U The Worst.”

“Since he went public via a song, i am no longer going to keep quiet about this person. Im naming him dont worry. This song is about relationships but we’re not dumb to think its not about us, the very family who took good care of him and loved him from the day he set foot in manila. So yeah im not playing the game of this ungrateful man anymore,” pahayag ni Annie.

“‘Wish u the worst’ (his new song) - this song tells you so much about the kind of person the singer truly is. Title pa lang he invested on negativity na. Its Full of negativity, hate, and bitterness always playing the ‘victim’ when he is the offender. He’s always played the game ‘if the shoe fits’… well sorry, i dont wanna play… i don’t hide behind songs and post with double meanings,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa niya: “Jed Madela, dont taunt me with a song. Panindigan mo yan ha. Let’s go to the press and tell all. If you dont wanna, i will. I think people wanna know the truth.”

Sa comment section ng post ay nagdagdag pa ng pasabog si Annie, "I’ve managed him for 23 yrs until he is what he is right now. That’s the business side. I’ve known him since birth and me and my family loved him unconditionally, like a son and brother. And he chose to disrespect. That for me is my closure. End of the line.”

Bukod pa rito, nabanggit din ni Annie na tinatawag daw ng singer na "monkeys" ang mga taga-ASAP, ang longest-running musical noontime show ng ABS-CBN na kaniyang kinabibilangan.

“I hate it that I had to cover for him all the time including how he called ASAP people ‘monkeys.’ My apologies to ASAP people. I hope they read this.”

MAKI-BALITA: Manager ni Jed Madela, naimbyerna sa bagong kanta ng alaga?

Matatandaang noong 2014, una nang naisyu kay Jed ang cryptic post patungkol sa "bunch of monkeys" na pumapatungkol daw sa ilang staff ng ASAP. 

MAKI-BALITA: Mga taga-'ASAP', tinawag na 'bunch of monkeys' ni Jed Madela

Bagay na nilinaw naman ni Jed at sinabi niyang na-misinterpret lamang ng mga netizen ang kaniyang nasabi, at hindi raw mga staff ng ASAP ang pinatatamaan niya.

Anyway, bukas ang Balita sa kampo ni Jed upang bigyang-linaw ang mga akusasyon ng dating manager.

MAKI-BALITA: Ano ang ipinagpuputok ng butse ni Jed Madela?