May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez
Photo courtesy: Screenshots from @batangsampalcosv (TikTok)

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagkakasamang namataan nina Sam Verzosa at Faith da Silva sa ginanap na concert ng singer at America's Got Talent Season 20 winner na si Jessica Sanchez, noong Sabado, Marso 16, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa ulat ng Fashion Pulis, ibinahagi nila ang isang TikTok video na kuha ng isa sa mga nakapanood na venue kung saan makikitang tila magkasama raw ang dalawa.

Ayon sa ilang netizens, kapansin-pansin umano ang pagiging magkalapit ng dalawa habang nanonood ng concert, bagay na agad nagdulot ng samu’t saring espekulasyon tungkol sa kanilang estado.

Matatandaang si Sam ay ex-boyfriend ng Kapuso star na si Rhian Ramos. Samantala, si Faith naman ay nakasama ni Rhian sa fantaseries na "Sanggre: Encantadia Chronicles," na kamakailan lamang nagtapos.

Hindi na nagbigay pa ng alinmang detalye sina Sam at Rhian sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ng mga landas.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dahil dito, lalong naging mausisa ang publiko kung simpleng pagkikita lamang ba ang namagitan kina Sam at Faith o may namumuong espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila.

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ng magkabilang kampo tungkol sa isyu. Gayunman, patuloy pa ring inaabangan ng kanilang mga tagahanga ang anumang paglilinaw o pahayag mula sa dalawa.