May 22, 2026

Home BALITA

Bangkay ng dating UP student lider na sumapi sa NPA, ayaw ng kuhanin ng sariling pamilya

Bangkay ng dating UP student lider na sumapi sa NPA, ayaw ng kuhanin ng sariling pamilya
Photo courtesy: Unsplash

Nagpahayag ang mga magulang ni Vince Francis Dingding, isang dating student leader ng University of the Philippines Cebu na kalauna’y sumapi umano sa New People’s Army (NPA), na hindi na nila kukunin ang labi ng kanilang anak matapos itong mapatay sa engkuwentro sa Cauayan, Negros Occidental noong Mayo 16, 2026.

Sa isang sulat-kamay na liham na ibinahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-Elcac, hiniling ng kaanak ng biktima na idaan na lamang sa kanilang barangay captain ang anumang usapin kaugnay sa pagkamatay ng kanilang anak upang hindi na umano madagdagan pa ang dinaranas na pagdurusa ng pamilya.

Ibinunyag din ng pamilya na may iniindang colon cancer ang ina ni Vince at pinayuhan umano ito ng mga doktor na umiwas sa stress.

Ayon sa NTF-Elcac, kabilang si Dingding sa mga nasawi sa engkuwentro laban sa mga tauhan ng 15th Infantry Battalion sa Barangay Abaca, Cauayan.

Sa hiwalay namang pahayag ng NPA, kinilala si Dingding bilang secretary ng Southwest Negros Guerrilla Front.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sinabi ng task force na dating student leader si Dingding sa UP-Cebu at naging aktibista rin umano ng Kabataan Cebu bago tuluyang mag-underground noong 2017.

Naglabas din ng pahayag ang NTF-Elcac kaugnay sa sinapit ng pamilya.

“It is a heartbreaking reminder that the CPP-NPA-NDF does not merely destroy lives on the battlefield—it destroys families,” ayon sa task force.

Samantala, nagbigay naman ng tribute si Ka Maoche Legislador, tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command ng NPA, kay Dingding at sa apat pang nasawing rebelde.

Tinawag niya ang mga ito bilang, “martyrs.”

Patuloy namang nananatiling usapin sa publiko ang armadong tunggalian sa bansa at ang epekto nito sa mga pamilya ng mga nasasangkot sa armadong kilusan.