December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?
Photo Courtesy: Barbie Forteza (IG)

Inamin ng Kapuso star na si Barbie Forteza na napag-uusapan na raw nila ng jowa niyang si Jak Roberto ang tungkol sa pagpapakasal.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hulyo 4, ibinahagi ni Barbie na kinikilig daw siya kapag pinadalhan siya ni Jak ng wedding videos sa Instagram.

“Kinikilig ako kapag nagse-send siya sa akin ng wedding videos sa Instagram. Sabi ko, okay. So pumapasok sa isip niya. Tapos sine-send niya sa akin, he wants to get involved in that area,” kuwento ni Barbie.

“Kasi ‘di ba ang boys ayaw nilang nagpa-plan ng wedding,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kasalukuyan, pitong taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Nagdiwang sila noong nakaraang Mayo. 

At dahil pitong taon na silang magkasama as couple, hindi naiwasang maitanong kay Barbie sa isang bahagi ng panayam kung naniniwala ba siya sa 7-year itch. 

Ito ay isang sikat na paniniwala na ang relasyon o marriage daw na umaabot sa pitong taon ay nawawalan ng saya o romansa.

Pero ayon kay Babie, hindi raw naniniwala rito at napatunayan din naman daw niyang hindi ito totoo dahil mature mag-handle ng relationship si Jak.

MAKI-BALITA: Jak Roberto, mature humawak ng relasyon