October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Stell Ajero, nag-react na kay Raquel Pempengco: 'Siyempre nanay po siya...'

Stell Ajero, nag-react na kay Raquel Pempengco: 'Siyempre nanay po siya...'

Nagbigay ng reaksiyon si SB19 lead vocalist Stell Ajero sa mga naging komento ni Raquel Pempengco tungkol sa performance niya ng "All By Myself" sa concert ni David Foster, at pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Charice, na Jake Zyrus na ang pagkakakilanlan ngayon.

Personal siyang nakapanayam ni Ogie Diaz habang nasa Amerika para sa concert nila ni Erik Santos.

"For me naman po, ewan ko po sa mga Pinoy pero hindi po nila maiwasang magkumpara. Sa totoo lang po, bawat isang artist may kani-kaniya naman po 'yang galing, something special to offer. And 'yong pagkukumpara, parang dapat alisin na po natin sa isip natin 'yon kasi si Charice, si Charice na po 'yon. Nagawa niya na po 'yon, nakapag-iwan na po siya ng mark, at kung ano po 'yong ginawa ko, 'yon naman po 'yong sarili kong interpretasyon..." ani Stell.

Sundot na tanong ni Ogie ay kung naniniwala ba siya sa mga sinabi ni Raquel na lodi niya ang SB19 at bilib din siya sa galing ni Stell kaya huwag siyang ikumpara kay Charice.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"Siyempre nanay po siya, siyempre para sa mga mata ng nanay, anak nila 'yong pinakamagaling. Pero hindi ko naman po siya masisisi doon po sa nasabi niyang salita, kasi sa kaniya po 'yon eh, opinyon niya po, and wala naman akong magagawa ro'n.." paliwanag ni Stell.

"Sa mata naman po ng nanay ko, ako 'yong pinakamagaling," hirit pa ni Stell. Kaya para matuldukan na, wala naman daw hinanakit si Stell sa mga sinabi ni Mommy Raquel.

Samantala, wala pang sagot si Raquel Pempengco tungkol sa mga nasabi ni Stell.

MAKI-BALITA: Nanay ni Jake Zyrus, nag-react sa ‘All By Myself’ ni Stell

MAKI-BALITA: Raquel sa anak na si 'Charice:' 'Wala pa akong nakikita na papalit sa yapak niya!'