July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, inirekomenda ang sarili sa BINI

Vice Ganda, inirekomenda ang sarili sa BINI
Photo Courtesy: Vice Ganda (IG), BINI (FB)

Inirekomenda ng Unkabogable star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ang kaniyang sarili sa namamayagpag ngayong P-pop girl group na BINI.

Sa latest Instagram post ni Vice Ganda nitong Martes, Hulyo 2, sinabi niya kung bakit siya karapat-dapat maging kapalit sa naturang grupo kung sakali mang may isang absent na miyembro.

“O alam n’yo na BINI ha pag may absent sa inyo pwede tong bata ko! Sariwa, makinis, makipot, gustuhin ngunit mapili,” saad ni Vice Ganda sa caption ng mga ibinahagi niyang larawan kung saan tampok ang face card niya.

Komento tuloy ni BINI Mikha: “”

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Samantala, nagbahagi rin ang mga netizen ng kani-kanilang reaksiyon sa post ni Vice Ganda. Narito ang ilan sa kanilang mga hanash.

"Wow fresh"

"Sana all makipot"

"Grabe ang Meme kwaaah!!! Super soft and beautiful MOTHERING! "

"Sending love from "

"BIAS PO KITA SA BUNI HEHE!! LOVE U "

"Cute mo po Meme vice"

"Eyyyyyy! Slayable talaga to si Buni Memeloi!"

Matatandaang katatapos lang ng  three-day concert ng naturang P-pop girl group na tinawag na “BINIverse.” Kaya naman itinuturing na “asset” umano ng ABS-CBN ang BINI dahil sa tagumpay nila. 

Sa katunayan, hindi pa man natatapos ang taon, inanunsyo na ang "Grand BINIverse" sa Oktubre, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

MAKI-BALITA: BINI bagong asset at 'money maker' daw ng ABS-CBN