July 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dennis Trillo, dinepensahan ng manager kaugnay ng 'hacking incident'

Dennis Trillo, dinepensahan ng manager kaugnay ng 'hacking incident'
Photo courtesy: GMA Network (FB)/ABS-CBN (FB)

Pinaigting ni Becky Aguila, founder ng Aguila Entertainment, ang nauna na nilang opisyal na pahayag kaugnay sa pinag-usapang sarkastiko at patanong na komento ng kanilang talent na si Kapuso Drama King Dennis Trillo patungkol sa former home network nito na ABS-CBN.

Matatandaang kinuyog ng Kapamilya fans si Dennis nang magkomento siya ng "May ABS pa ba?" matapos tanungin ng isang netizen sa kaniyang TikTok account kung bakit wala ang misis na si Jennylyn Mercado sa latest GMA station ID 2024.

Agad namang nabura ang komentong ito at naka-off na rin ang comment section, subalit marami nang nakapag-screenshots nito, at kinuyog na nga ng bash si Dennis, kabilang na ang iba't ibang fan-based page ng Kapamilya Network.

MAKI-BALITA: Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Matapos mag-viral ay naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Aguila Entertainment at sinabing hindi si Dennis ang gumawa nito, kundi na-hack daw ang TikTok account ng aktor.

MAKI-BALITA: Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

Sa pagdepensa naman ni Becky, sinabi niyang wala sa karakter ni Dennis ang pagsasabi ng mga ganoong bagay laban sa kaniyang dating home network.

"As for Dennis’ alleged comments on Tiktok, it was not him. Dennis is a very humble and respectful and known to be a man of few words. He is not the type who would release comments that are insensitive to others most specially to his former colleagues in ABS-CBN where he was first launched via Star Circle. His account was hacked yesterday as what our official statement said," anang Becky.

"Hope these clears everything. We appeal to the public to stop spreading hate and false accusations online. Thank you," dagdag pa.

Bukod dito, nagsalita na rin ang manager patungkol sa hindi matapos-tapos na intriga tungkol sa network transfer daw ng misis ni Dennis at talent din nilang si Jennylyn Mercado. Ipinaliwanag din ng manager kung bakit wala si Jen sa latest GMA Station ID 2024.

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyu ng network transfer ni Jennylyn Mercado

MAKI-BALITA: Rason kung bakit wala si Jennylyn Mercado sa Kapuso Station ID, nabunyag!