July 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Anyare? Jessy Mendiola, lilitaw dapat sa 'Mallari'

Anyare? Jessy Mendiola, lilitaw dapat sa 'Mallari'
Photo Courtesy: Jessy Mendiola, Mentorque (FB)

Isiniwalat ng aktres at mommy na si Jessy Mendiola na nakatakda raw sana siyang lumitaw sa pelikulang “Mallari” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Sa latest episode ng “On Cue” nitong Martes, Hulyo 2, sinabi ni Jessy ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang role niya sa naturang pelikula.

“Sabi ko, I think I’m not ready yet. And syempre, ayaw ko namang bigyan ng stress ‘yong production. So, sabi ko, I think I’m going to pass this and mas ibigay na lang muna sa mas kaya,” saad ni Jessy.

“You’re supposed to do what role?” usisa ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.

Pelikula

Pelikulang ‘Maid in Malacañang’ gagawing serye?

“I think, ‘yong kay Elisse [Joson] yata. So, sabi ko parang feeling ko hindi ko kaya. Kasi heavy rin ‘yong Mallari, e. So parang for me, kaysa pilitin ko, sabi ko siguro paghandaan ko na lang nang mabuti.”

Kaya naman, binanggit daw ni Jessy sa Star Magic na kailangan daw niyang sumailalim sa paghahanda gaya ng workshop dahil mahabang panahon siyang nabakante sa pag-arte.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni Jessy na hindi na raw niya inasahan pang makakabalik pa sa showbiz industry.

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola, hindi inasahang makakabalik pa sa showbiz