July 06, 2024

Home BALITA Metro

Tricycle driver, binaril sa ulo, dead on the spot

Tricycle driver, binaril sa ulo, dead on the spot
Larawan: Freepik

Patay ang isang tricycle driver matapos umanong barilin sa ulo ng 'di kilalang lalaki habang nakaupo sa sidewalk at naghihintay ng pasahero sa Port Area, Manila nitong Lunes.

Dead on the spot ang biktimang si Brando John Estalilla, 25, tricycle driver, at residente ng Z.P. de Guzman St., Baseco Compound, Port Area, Manila bunsod ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Nakatakas naman at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang 'di kilalang salarin, na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na bull cap.

Batay sa ulat ni PCMS Boy Nino Baladjay, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 7, Old Site, Baseco Compound, sa Port Area.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Kasalukuyan umanong nakaupo ang biktima sa sidewalk nang mapadaan ang suspek at sa 'di pa batid na kadahilanan ay bigla na lang bumunot ng baril at pinutukan sa ulo ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis nang tumakas ang suspek, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.