July 06, 2024

Home BALITA Metro

Nagkapikunan: OFW, binigti ng kinakasama

Nagkapikunan: OFW, binigti ng kinakasama

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang patay matapos umano'y bigtihin ng kaniyang kinakasama nang magkapikunan sila habang nag-iinuman sa Malate, Manila nitong Lunes ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Flordeliza Talaro, 27, OFW, habang arestado naman ang suspek na si Jhunrey Bastasa, 33, construction worker, kapwa residente ng Gumamela St., sa Malate.

Batay sa ulat ni PSMS Jason Ibasco, ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-8:40 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng nirerentahang apartment ng mag-live-in partner.

Lumilitaw na bago ang pagpatay ay nagkayayaan umano ang biktima at suspek na mag-inuman.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Gayunman, sa hindi pa batid na kadahilanan, habang nag-iinuman ang mga ito ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa sakitan.

Nagawa namang makadampot ng suspek ng isang nylon belt, na siyang ginamit niya upang bigtihin ang biktima.

Nakapiit na ang suspek at sasampahan ng kasong pagpatay sa piskalya