Patay nang matagpuan ang isang 13-anyos na batang babae sa loob ng isang tubuhan sa bayan ng Candoni sa Negros Occidental noong Miyerkules, Abril 29, 2026.
Ayon kay Leonel Adoracion, isang police captain sa lugar, nadiskubre ang bangkay ng dalagita sa gitna ng taniman ng tubo na may sugat sa ulo. Hinala ng mga awtoridad na matigas na bagay ang ginamit sa pananakit at hindi patalim.
Batay sa salaysay ng pamilya, pinapunta umano ang biktima upang bumili ng yelo noong Linggo ng gabi, Abril 26, sa isang tindahan na nasa tinatayang 50 metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.
Gayunman, hindi pa malinaw kung nakarating nga ang bata sa nasabing tindahan bago siya natagpuang wala nang buhay.
Isasailalim pa sa autopsy ang labi ng biktima upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Sa ngayon, mayroon nang tinututukang person of interest ang pulisya habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.