July 03, 2024

Home SHOWBIZ

Otlum, emosyunal nang makita ang dalawang anak

Otlum, emosyunal nang makita ang dalawang anak
Photo Courtesy: Screenshots from Rated Korina (YT)

Isa palang ganap na ama ang social media personality na si Otlum sa dalawa niyang anak. 

Sa latest episode ng “Rated Korina” nitong Linggo, Hunyo 30, muli niyang nakita ang kaniyang mga anak sa Bulacan matapos ang ilang buwan. Kaya naman naging emosyunal sila sa isa’t isa.

“Bilang magulang ng aking mga anak, andito ako susuporta, gagabay para sa kanilang buhay sa kabila ng kahirapan,” saad ni Otlum.

“Mga anak, huwag tayong titingin sa kung ano ‘yong mayro’n ang iba. Makuntento tayo kung ano ang mayro’n tayo at maging proud ka kung sino ka,” dugtong pa niya.

Komedyanteng si Dinky Doo, sumakabilang-buhay na

Bukod pa rito, inamin din ni Otlum na matagal na raw siyang hiwalay ng ina ng mga anak niya kaya mag-isa niyang itinataguyod ang mga bata.

Gayunman, sa kabila ng pagiging beki niya, tanggap at proud daw sa kaniya ang mga anak niya dahil alam ng mga ito kung gaano siya nagpupursige sa buhay.

Matatandaang nag-viraL si Otlum noong 2022 matapos niyang kunin ang cellphone ng isang sari-sari store owner sa Maynila na kitang-kita sa CCTV footage. Pero iginiit niya na hindi raw niya ninakaw ang naturang gamit.

MAKI-BALITA:  TikToker na si Otlum, naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen