July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karla di raw pikon: 'May karapatan din akong maumay!'

Karla di raw pikon: 'May karapatan din akong maumay!'
Photo courtesy: Karla Estrada (FB)

May mensahe si "Face To Face" season 2 host Karla Estrada sa mga nagsasabing masyado siyang "pikon" kaya nag-post siya sa social media patungkol sa isyu ng dream house na kaniya umanong ibinebenta.

Ang nabanggit na dream house ay sinasabing regalo raw sa kaniya ng anak na si Daniel Padilla, at ang iniintriga ng mga netizen, ay baka "naghihirap" na raw si Karla kaya ibinebenta na ito.

Bagay na pinabulaanan naman ni Karla sa kaniyang post, matapos na sitahin ang isang lifestyle magazine pati na ang writer ng news article patungkol sa umano'y lumang balitang ito.

Nagkomento rin si Karla sa mga netizen na "paladesisyon" at parang mas may alam pa sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Sey naman ni Karla, hindi siya pikon kundi nagpapahayag lang ng kaniyang damdamin, at sa palagay raw niya, karapatan niyang makaramdam na nauumay na siya.

"Hindi ako pikon," aniya.

"Nagpahayag lang ako ng damdamin ko"

"Katulad ng iba na malayang nag hahayag tungkol sa bahay o buhay ko ng paulit ulit."

"May karapatan din akong maumay."

"Hindi ako pikon, hindi ako Pwede mapikon, diri ako maupay mapikon, makalilisang."

"So wag na mapikon. ," aniya.

(1) Karla Estrada - Hindi ako pikon. Nagpahayag lang ako ng damdamin... | Facebook

MAKI-BALITA: Karla imbyerna sa magazine, paulit-ulit sa lumang balita tungkol sa dream house

MAKI-BALITA: Banas na si Karla Estrada, may update tungkol sa inisyung dream house