July 02, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sitsit ni Cristy: Bea, idinemanda ng dati niyang driver

Sitsit ni Cristy: Bea, idinemanda ng dati niyang driver
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), Bea Alonzo (FB)

Inireklamo raw si Kapuso star Bea Alonzo ng dati niyang driver na si Efren Torres Delos Reyes, Jr. ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, ipinakita ni Cristy ang kopya ng mga dokumento mula sa National Labor Relations Commission kung saan nakasaad ang umano’y demanda laban kay Bea.

“Lehitimong balita po ito. Dahil ang dati pong driver ni Bea Alonzo na ang tunay na pangalan ay Phylbert Angelli Ranollo. Naghain na po ng kaso si Efren Torres Delos Reyes, Jr. sa NLRC Department of Labor and Employment,” saad ni Cristy.

“Bibigyan po sila ng pagkakataong magkausap at magkita sa gitna dahil napakarami po nitong mga reklamo na isinumite nitong si Efren Torres,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

KathDen fans, binabakuran si Kathryn Bernardo sa ibang lalaki

Ayon kay Cristy, kabilang umano sa mga inirereklamo ng dating driver ni Bea ay ang mga sumusunod: night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, illegal dismissal, maltreatment/payment of separation pay.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Bea tungkol sa naturang isyu.

Samantala, nakahandang magharap sina Bea at Ernesto sa darating na Miyerkules, Hulyo 3.

Matatandaang pinag-usapan din sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Marso ang tungkol sa pagrereklamo umano ng mga pinaalis na kasambahay ni Bea.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, inirereklamo ng mga pinaalis na kasambahay?