Ang daming nakapapansing tila iba na ang looks at talagang nag-bloom ang singer na si Bugoy Drilon, lalo na sa latest photos na ibinabahagi niya sa social media.
Well, hindi naman kataka-taka iyan dahil simula nang maging runner-up ng singing reality show na "Pinoy Dream Academy" Season 2 noong 2008, talagang nakaahon mula sa kahirapan si Bugoy at tuluyan na ngang pinasok ang showbiz.
Pero iba raw na talaga ang glow ni Bugoy ngayon, at may mga napapa-second look pa nga, at napagkakamalan pa siyang ang actor-businessman na si Derek Ramsay na estranged husband ni Ellen Adarna.
Maging ang RnB singer na si Kris Lawrence, "Derek" nga ang birong tawag sa kaniya.
Kaya naman, isang netizen ang bumanat kay Bugoy at sinabing "retokado" na siya o sumailalim sa enhancement.
"Retokado! , di naman ganyan itsura mo dati," sey ng basher sa isang post ni Bugoy, kalakip ang larawan habang nasa loob ng isang kotse.
Hindi naman ito pinalagpas ni Bugoy at sinagot na walang halong kemikal ang kaguwapuhan niya ngayon.
"maging mabuting tao yan po secreto.. all natural po yan..," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Bugoy Drilon (FB)
Hindi naman nagpaawat ang netizen at humirit pa.
"Sus antagal ko ng mabuti , di naman nagbago itsura ko," aniya.
Sagot at paliwanag naman ni Bugoy, "sunog lang po ako dati sa araw at payat.."
"syempre my tulong na din ng facial cleaning and skin treatment sa Belo:) yan na sinabi ko ma sayo lahat ng secreto hehehe."
Tila nakampante naman ang nabanggit na netizen sa sagot ni Bugoy at nagpaawat na rin.
Photo courtesy: Screenshot from Bugoy Drilon (FB)
Bagay na sinang-ayunan naman ng mga netizen at ipinagtanggol ang singer.
"grabeeee porket nag glow up retokado na"
"Glow up po ang tawag dyan. Pag pumangit Sabihin nyo naman bakit di nag improve eh ang tagal na sa music industry. Ang hirap nyong pasayahin."
"Ganyan na face nya.tumaba at pumuti Kase sya.babae lang ba pwede mag glow up."
"Hala, nag glow ka na baga. Level up na kapogian mo manoy!"