September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Vivamax actress Christine Bermas, 'grateful' bilang co-host sa 'Wil To Win'

Vivamax actress Christine Bermas, 'grateful' bilang co-host sa 'Wil To Win'
Photo Courtesy: Christine Bermas, Wil To Win (FB)

Inihayag ng Vivamax actress na si Christine Bermas ang kaniyang naramdaman nang malaman niyang magiging co-host siya sa bagong show na “Wil To Win.” 

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, sinabi ni Christine na grateful daw siya na makasama ang TV host ng naturang programa na si Willie Revillame. 

“Sobrang nakakataba po ng puso kasi isa po ‘to sa pangarap ko talaga. And hindi pa po ako nakapag-host before. And before po, naging isa po ako sa dancer ni Kuya Will,” saad ni Christine.

Dagdag pa niya: “Then now, naging isa po ako sa co-host niya kaya sobrang grateful po ako na isa po ako sa makakasama niya dito sa show.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang kamakailan lang ay naging emosyunal pa si Willie matapos palitan ang pangalan ng programa niya mula 'Wowowin" patungong “Wil To Win.”

MAKI-BALITA: Willie naiyak: Babu sa Wowowin, hello sa Wil to Win!

Pero bago pa man ito, nauna nang ipakilala ang "Win Girls" na makakasama ni Willie bilang co-hosts sa programa.

MAKI-BALITA: Co-hosts ni Willie, inilantad na; dating Showtime host, nasulot?