Emosyunal si Willie Revillame sa kaniyang hatid na sorpresa nitong Biyernes, Enero 15, sa dating opisyal na Facebook page ng 'Wowowin" na ngayon ay opisyal nang pinalitan bilang "Wil To Win."

Bukod sa pangalan, mapapansing napalitan na rin ang profile at cover photo ng nabanggit na page.

Teleserye

Kim Domingo, mas pagbubutihin pa ang pagganap bilang 'Madonna'

Naluha si Willie sa pamamaalam sa kaniyang programa sa GMA Network, na matapos niyang lumipat sa ALLTV, umalis at mamahinga ng ilang buwan, heto't nagbabalik ulit ang TV host para sa bagong show sa TV5.

Eere ang Wil To Win sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapatid Network.

“For almost seven years, araw-araw ko kayong kasama sa GMA. Maraming mga pagsubok, maraming nangyari, may luha ng kaligayahan, may luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman… Sorry ho naging emotional ako kasi mawawala na ho si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin…" bahagi ng pahayag ni Willie.

Binalikan din ni Willie ang lahat ng TV networks na naging tahanan niya, magmula sa ABS-CBN, napunta sa TV5, lumipat ng GMA Network, lumundag sa ALLTV, at ngayon ay nagbabalik sa TV5.

Inaasahang sa Hulyo 14, Linggo daw ang opening day ng Wil To Win para sakto sa family day. Lunes hanggang Biyernes lang ang programa na hindi pa tiyak kung anong time slot. Hindi pa sure kung magiging ka-back-to-back ito ng "Eat Bulaga" na alam naman ng lahat na nasa noontime slot.

Sa Hunyo 20 ay magkakaroon naman sila ng Grand WINference para sa tanungan portin ng miyembro ng media at fans patungkol sa show.

Matatandaang nauna nang ipakilala ang "Win Girls" na makakasama ni Willie bilang co-hosts sa programa. Ito ay sina Batangueña TikTok influencer Queenay Mercado, dating beauty queen-social media personality Inday Fatima Kate Bisan, at dating "It's Showtime" online show host Ana Ramsey.

MAKI-BALITA: Ana Ramsey, tila sumagot sa mga pintas matapos layasan ang Showtime

MAKI-BALITA: Co-hosts ni Willie, inilantad na; dating Showtime host, nasulot?