October 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Sey mo, Ai Ai? Melai, game gawin remake ng 'Tanging Ina' pero...

Sey mo, Ai Ai? Melai, game gawin remake ng 'Tanging Ina' pero...
Photo courtesy: via Balita

Natanong si "Magandang Buhay" at "Pinoy Big Brother" momshie host Melai Cantiveros na kung sakaling alukin siyang i-remake ang "Tanging Ina" movie na unang pumatok kay Comedy Queen Ai AI Delas Alas, tatanggapin ba niya?

Natanong siya tungkol dito sa ginanap na media conference para sa kaniyang Visayan talk show na "Kuan-In-One" noong Enero 25 sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Ani Melai, why not daw at magiging happy siya kung may alok, pero hindi raw puwedeng i-bypass si Ai Ai dahil siya naman talaga ang nagpasikat ng karakter ni "Ina Montecillo" na nakadalawang sequel pa nga.

"Kung i-offer sa akin why not, sobrang happy. Pero siyempre, hindi natin puwede i-bypass si Ms. Ai Ai Delas Alas..." anang Melai.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Kaya kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang bagong pelikula na lang ang gawin.

"Gawa na lang tayo ng sarili natin... "

Nang matanong kung anong naiisip niyang pamagat kung sakali, "Kuan ng Ina" ang sagot niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging isyu ang pagra-rant ni Ai Ai sa social media matapos daw makarating sa kaniyang kaalaman, na isang taga-Star Cinema raw ang nag-uutos na ipa-take down o burahin ang news article ng ABS-CBN News patungkol daw sa pakikipag-usap ni Ai Ai sa movie outlet ng ABS-CBN, kung sakaling mag-reunion movie sila.

MAKI-BALITA: Ngitngit ni Ai Ai sa Star Cinema: 'Pinagkakitaan n'yo naman ako dati!'

Aminado si Ai Ai na sumama ang loob niya sa nakarating sa kaniya, ayon naman sa panayam sa kaniya ni dating ABS-CBN news anchor Julius Babao.