October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Charo napaiyak si Mercedes; kinaladkad, pinagsasampal

Charo napaiyak si Mercedes; kinaladkad, pinagsasampal

Usap-usapan ang naging tapatan nina Charo Santos-Concio at Mercedes Cabral sa mainit na eksena ng "FPJ's Batang Quiapo" kung saan sinugod ng karakter ng una na si "Tindeng" ang kabet ni Rigor (John Estrada) na si "Lena," na ginagampanan naman ni Mercedes Cabral.

Sa eksena, makikitang galit na galit na sinugod ni Tindeng si Lena na natutulog at nakahiga pa sa kaniyang kama, sa loob ng kaniyang kuwarto.

Makikitang pinagsasampal, pinagsasabunutan, at kinaladkad ni Tindeng si Lena hanggang sa magkatutukan sila ng mga armas; si Lena na isang pulis ay inilabas ang kaniyang baril, at si Tindeng naman ay balisong.

Pero matapos ang maiinit na eksena ay ibinahagi naman ni Charo ang ilang mga larawan nila ni Mercedes habang magkayakap sila. 

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Agad namang nagpasalamat si Mercedes sa isang "pribilehiyong" maka-eksena ang award-winning veteran actress, at take note, dati pang CEO at presidente ng ABS-CBN, at sa kasalukuyan nga ay kabilang na ulit sa board of directors nito.

"I love you ma'am @charosantos its always an honor to be in a scene with you!" komento ni Mercedes sa Instagram post ni Charo.

Tugon naman ni Charo, "@mercedes__cabral Ohhh! You are such a trooper! You are amazing! "

Si Kim Molina naman, bet magpasampal sa kaniya kahit wala raw lines.

"MADAAAAMMM @charosantos GRABE ITOOOO!!!!

PANGARAP KO RIN PONG MASAMPAL MO PLEASE!!!!!!! ‍." ani Kim.

"Hahaha! Grabe ka!" reply naman ni Charo.

"@charosantos ay mam charo kahit walang lines abang ko na agad mukha ko po opo! ‍" habol pa ni Kim.

Bravo sa dalawang mahuhusay na aktres!