July 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Herbert Bautista, pasado ba kay Annabelle Rama?

Herbert Bautista, pasado ba kay Annabelle Rama?
Photo Courtesy: Annabelle Rama, Herbert Bautista (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang impresyon ng nanay niyang si Annabelle Rama sa karelasyon niyang si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Martes, Hunyo 25, sinabi raw ni Ruffa na matanda na siya para pakialaman pa ng nanay niya ang kaniyang buhay.

“That’s the story of my life, di ba? But I think with my mom now, she thinks I’m old enough siguro naman no, hindi na siya masyadong nagme-meddle,” pahayag ni Ruffa.

“But she’s always gonna be my mom and she’s always gonna be outspoken,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Dagdag pa ng aktres: “And also I think she likes and she appreciates the person that I am dating now.”

Matatandaang kinumpirma ni Ruffa ang relasyon nila ni Herbert sa isang episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila.

Pero bago pa man ito, lumutang noong Enero ang tsikang buntis umano si Ruffa kay Herbert sa isang episode ng “Cristy Ferminute” na agad din namang pinabulaanan ng aktres.