October 05, 2024

Home BALITA Metro

Fetus, isinilid sa jar bago iwan sa kanal

Fetus, isinilid sa jar bago iwan sa kanal
photo from unsplash

Isinilid muna sa jar bago iwan umano sa kanal ang isang fetus, na natagpuan ng mga estero ranger habang naglilinis sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkules ng umaga.

Hindi pa naman umano mabatid ang kasarian ng fetus na tinatayang nasa 12 linggo pa lamang.

Ayon kay P. Capt Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na kasalukuyang naglilinis ng kanal ang mga estero ranger na sina Renato Signe at Armando Tejero nang madiskubre ang fetus sa isang glass jar dakong alas-8:30 ng umaga sa P. Herrera St., sa Tondo.

Kaagad na dinala ng mga awtoridad ang fetus sa punerarya para sa safekeeping.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Inaalam pa naman ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan ng fetus sa kanal.