Muling umapela sa Court of Appeals si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque hinggil sa kanselasyon ng passport niya at pagbansag umano sa kaniya bilang "fugitive."
Sa inilabas na pahayag ni Roque sa kaniyang opisyal na Facebook page nitong Biyernes, Abril 24, 2026, iginiit niyang wala raw legal na basehan ang naturang hatol na ginawa sa passport niya.
"The cancellation of my passport and the label of 'fugitive' were imposed without legal basis and in violation of my fundamental rights," saad ni Roque.
Matatandaang noong Mayo 2025 nang unang kinumpirma ni noo’y Justice Secretary Boying Remulla na itinutulak nila ang tuluyang pagkakakansela sa passport ni Roque bunsod ng nauugnay na kaso sa kaniya ng human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.
KAUGNAY NA BALITA: Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’
Si Roque ay nananatili sa Netherlands habang hinihintay lumabas ang kaniyang asylum bid sa naturang bansa.
KAUGNAY NA BALITA: Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’
Habang noong Disyembre 2025 nang maghain ng mosyon si Roque hinggil sa tuluyang pagkankansela noon ng passport niya.
Iginiit ni Roque na hindi siya isang pugante at ang kaniyang patuloy na pananatili sa Europe ay makatarungan bilang pag-eexercise ng kaniyang karapatang mag-apply para sa asylum.
Ayon sa dating Presidential Spokesperson, nagkamali ang Pasig City Regional Trial Court Branch 157 sa pagpapalawak ng depinisyon ng isang fugitive.
Sa inihain niyang mosyon, binigyang-diin nito, “There is no room for interpretation that disregarded the time element, i.e., after being charged in the Philippine court, and focusing only on the purported intention to avoid prosecution.”
KAUGNAY NA BALITA: 'No legal basis!' Roque, naghain ng motion for reconsideration sa kanselasyon ng passport niya