Nagsalita na ang aktor na si Dominic Roque patungkol sa mga kumakalat na tsika at pang-iintrigang nililigawan daw niya ang kaibigang si Kathryn Bernardo.

Nagsimulang umugong ang espekulasyong ito nang maispatan silang magkasamang nagji-gym.

Matatandaang very single ang dalawa ngayon matapos ang pinag-usapang hiwalayan sa kani-kanilang past relationships kina Daniel Padilla at Bea Alonzo.

Pinabulaanan naman ni Dominic na may something sa kanilang dalawa ni Kathryn. Aniya, kapatid ang turing niya kay Kath kaya malabong ligawan niya ito.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Dom na ginagawa niyang abala ang sarili matapos ang kanilang hiwalayan ni Bea.

“Work, of course, family and friends. 'Yon, okay lang naman. May ginagawa. Of course family ko, Ate Juday, she has always been there for me always, all the time. Friends. Inano ko 'yong sarili ko sa sports,” aniya.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan nina Dominic at ex-boyfriend ni Kath na si Daniel.