Inamin ng GMA trivia master at TV host na si Kuya Kim Atienza na nagkaroon daw ng pagbabago sa attitude niya simula nang bigyan siya ng ikatlong pagkakataong mabuhay.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, sinabi ni Kuya Kim na dati ay gigil na gigil daw siya sa success. 

“Sa gigil kong mag-succeed, nagkasakit-sakit tuloy ako. Nawala ‘yong gigil. Naging more trusting and more accepting,” saad ni Kuya Kim.

“Pagka pangit ang takbo ng mga bagay-bagay: ‘Lord, ibinigay mo ‘yan, Ikaw na ang bahala.’ Nagkaroon ako no’n. Dati wala niyan,” wika niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa niya: “Na-cancel ang show: ‘Lord, nilagay Mo ako rito. May dahilan Ka, e. Ikaw na’ng bahala.’ Dati-rati: ‘Naku magigiba ‘yong show! Tawagan mo si ano, tawagan mo si ano. Kailangang ayusin natin ‘to.’ May gigil. 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi naman ni Kuya Kim ang kasalukuyang relasyon niya sa mga dati niyang nakasamang host sa “It’s Showtime.”

https://balita.net.ph/2024/06/25/matapos-ang-misunderstanding-kuya-kim-isiniwalat-relasyon-sa-its-showtime-hosts/