Lumulutang ngayon ang tsika hinggil sa dahilan umano ng pagkakalabuan ng celebrity couple na sina Paolo Contis at Yen Santos. 

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Hunyo 23, tila lumalabas na may sumulsol umano kay Yen para hiwalayan si Paolo.base sa usapan nina Cristy Fermin at Wendell Alvarez.

“Iba kasi ang sinasabing ‘pag may umuudyok sa likod mo,” saad ni Wendell.

“A, ‘pag may nagsusulsol?” paniniguro ni Cristy. 

Relasyon at Hiwalayan

'As an unfriend?' Paolo Contis, inunfollow na rin si Yen Santos sa IG

“Oo,” sagot naman ni Wendell.

Ayon kasi kay Cristy: “ang balitang-balita po, mayroong nagsabi talaga kay Yen na kapamilya niya na hiwalayan na si Paolo Contis.”

At sa palagay ni Cristy, ang nakikita raw niyang dahilan kung bakit ito ginawa ng kapamilya ni Yen ay dahil baka madagdag lang ang aktres sa listahan ng mga babae ni Paolo na inanakan pero hindi naman pinanindigan.

Matatandaang nagsimulang umugong ang usap-usapan ng hiwalayan ng dalawa nang burahin ni Yen ang birthday post niya para kay Paolo. Lalo pang lumakas ang intrigang ito nang i-unfollow nila ang isa’t isa kamakailan.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon ang mga sangkot na personalidad para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang tsika.

https://balita.net.ph/2024/05/06/yen-binura-daw-ang-birthday-post-para-kay-paolo-sila-pa-raw-ba/