Usap-usapan sa social media ang umano'y pag-unfollow ni Paolo Contis sa kaniyang girlfriend na si Yen Santos sa Instagram account nito.

Matatandaang noong Mayo, naulat sa Balita ang tsikang binura ni Yen ang birthday post niya para kay Paolo, at mapapansing wala siyang ni isang account na fina-follow, kahit sa kaniyang jowa. Nang sinilip ng Balita ang account ni Paolo, makikitang naka-follow pa siya sa Instagram account ni Yen. In fairness, tanging account lang ng girlfriend ang fina-follow niya. Naroon din ang mga Instagram posts niya kasama si Yen, kabilang na ang pagbati niya rito bilang Best Actress.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?

Photo courtesy: Paolo Contis (IG)

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Nang matanong naman si Paolo ng media people kaugnay rito, sa naganap na media conference para sa pelikulang "Fuchsia Libre," tanging "no comment" lang ang sinasabi niya at halatang iwas na iwas na mapag-usapan si Yen.

MAKI-BALITA: Paolo nakorner at inurirat tungkol kay Yen, may nakakaintrigang tugon

Nakakaloka naman ang pahayag ng nanay ni Yen na si Mommy Lilian na hindi raw naging mag-jowa ang anak at si Paolo.

MAKI-BALITA: ‘As a friend’ lang talaga? Paolo at Yen, never naging sila!

Batay naman sa rebelasyon ng talent manager ni Paolo na si Lolit Solis, nagbigay siya ng hint na nagkalabuan nga ang dalawa. Aniya pa, baka raw nagkasawaan silang dalawa.

MAKI-BALITA: Lolit sa tsikang hiwalayan nina Paolo at Yen: ‘Siguro nagkasawaan din!’

At nitong Hunyo 19 nga, napansin ng mga marites sa social media na hindi na naka-follow si Paolo kay Yen sa Instagram na kaisa-isa niyang sinusundan sa nabanggit na social media platform.

Kung titingnan naman ang Instagram account ni Yen, kapansin-pansing napapadalas na ang postings niya at bukas na rin ang comment section para sa mga nagnanais na maglapag ng kanilang reaksiyon at komento.

MAKI-BALITA: Yen Santos, dinumog sa latest post dahil bukas na ang comment section

Kung sisilipin naman ang Instagram account ni Paolo, makikitang 0 following na siya at naka-private na rin.

Photo courtesy: Paolo Contis (IG)