Tila hindi raw nakabubuti si “Eat Bulaga” host Maine Mendoza sa sa kalusugan ng mister niyang si Arjo Atayde na isang politiko at award-winning actor.

Sa latest Instagram post kasi ni Maine kamakailan, makikita ang mga serye ng larawang ibinahagi niya kasama si Arjo at may nakapansin na tila hindi umano hiyang ang huli sa misis nito.

Sey ng isang netizen: “Hindi yata hiyang si Arjo kay maine😂”

Ipinagtanggol naman si Arjo ng ilang netizens mula sa mga negatibong komento. Narito ang ilan sa kanilang mga sinabi:

Fans paladesisyon: Maine Mendoza, nagpaalala tungkol sa face mask

"porket nd tumaba nd na hiyang,bakit kasama ka sa bahay nila.para masabi mong nd hiyang"

"He's a Congressman, busy sa work.Ikaw ata busy sa masyado sa pagpuna ng iba.😊😁"

Mukhang hindi na nawala ang bashers sa buhay ng mag-asawa. Matatandaang kamakailan lang ay nakatanggap ng mura si Maine mula sa isang netizen matapos niyang magpaalala sa mga taong nagpapa-picture sa celebrities.