Nagpaalala si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza sa mga taong nagpapa-picture sa mga public figure na huwag na nilang ipatanggal ang suot nilang face mask para matiyak ang seguridad sa kalusugan ng lahat.

Mababasa sa X post ni Mrs. Atayde, "Random thought dahil ang daming may sakit ngayon."

"People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus."

"Ang hirap mag trabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam."

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Photo courtesy: Maine Mendoza (X)

Bagama't marami ang sang-ayon sa kaniya, isang netizen naman ang nagpakawala ng malutong na mura at nam-block pa sa kaniya.

"bakit parang kasalanan ko roldan"

"nasaan yung ‘po’ ???"

Photo courtesy: Maine Mendoza (X)

Kamakailan lamang, nabanggit ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Update" na marami raw nagpapa-picture sa mag-asawang Maine at Arjo Atayde kahit nagbabakasyon nila, subalit game naman daw silang nag-eestima ng fans.