Ibinahagi ng sikat na social media personality na si "Diwata" ang kaniyang karanasan sa pagsasagala sa Malabon City kamakailan.

Hindi makapaniwala si Diwata sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga taga-Malabon na talaga namang hindi magkamayaw sa paghiyaw at pagkaway sa kaniya.

Ibinida rin ni Diwata ang kaniyang suot-suot na pangsagalang gown, na siyempre pa, hindi siya nagpakabog sa mga naimbitahang celebrities at artista gaya nina Kapuso stars na sina Katrina Halili, Herlene Budol, at iba pang influencers.

"Makipagsabayan muna tayo dito sa mga ganda-gandahan. Kasi nandito sina Katrina Halili, nakita ko si Herlene Budol, 'yong ibang influencers, maraming sikat na personalidad ang nandito," anang Diwata.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita rin sa kaniyang social media page ang mga larawan niya habang nakasuot ng gown.