Humingi na ng paumanhin ang Team Malakas na pinangungunahan nina Rendon Labador at Rosmar Tan Pamulaklakin matapos ang insidente ng mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron, Palawan.

Kaugnay pa rin ito ng mainit na komprontasyon ng dalawa sa isang babaeng kawani sa munisipyo na nagpakawala ng rant sa social media kaugnay sa "panggagamit" daw ng vloggers sa mga taga-Coron para sa kanilang views; isa pa, tila nagreklamo raw ang babae dahil wala raw naiabot na ayuda sa kanilang mga nag-assist sa event na dinagsa ng mga tao.

Mababasa sa Facebook post ni Juan Patricio Eyes ang nilalaman ng resolusyon kaugnay ng deklarasyon ng pagka-persona non grata ng dalawa, dahil hindi raw nagustuhan ng mga taga-Coron ang naging behavior ng dalawa sa babaeng kawani sa Office of the Vice Mayor.

Hinikayat din niya ang babaeng kawani na kinilala sa pangalang "Jho Cayabyab Trinidad" na magsampa ng reklamo sa dalawa, bagama't sa isang video ay humingi na siya ng tawad sa dalawang socmed influencers dahil sa mga binitiwan niyang post.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Coronians, eto na po ang resolution na ihahain sa next regular session declaring 'Rosmar' and Rendon Labador persona non-grata in the municipality of Coron."

"Jho Cayabyab Trinidad I suggest mag reklamo sa sa appropriate venues/agencies against these people.

I would like to strongly recommend to my fellow legislators, VM Ashian and Mayor Marjo; that we provide Ms. Jho Cayabyab Trinidad with whatever assistance she needs should she decide to file appropriate charges against Labador and 'Rosmar,'" aniya pa.

Sey naman ng Team Malakas, tatanggapin umano nila ang parusang "persona non grata" kung sakaling itutuloy ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa nabanggit na lugar.

“Nandito po kaming lahat para po humingi ng dispensa sa nangyari. Alam po namin na mali ang ginawa namin, sumobra po kami sa actions na nagawa namin. And humihingi po kami ng dispensa gawa nang nagpadala kami sa emosyon. Tao lang din po kami, nagkakakamali po kami and ina-admit naman po namin ang pagkakamali namin”, pahayag ni Rosmar.

"Kami po ay nagpapakababa sa inyong lahat na susubukan po namin na baguhin kung anuman po 'yong pagkakamali namin, kung sumobra man po kami, sa tingin po namin ito ay magiging lesson sa amin as a team..." pahayag naman ni Rendon.

Makikita sa kani-kanilang social media accounts ang paghingi nila ng public apology.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar pinapadeklarang persona non grata sa Coron

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar inulan ng batikos dahil sa ‘komprontasyon’ sa Coron