Naghain umano ng counter affidavit ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa inihaing cyber libel case laban sa kaniya ni Kapuso star Bea Alonzo noong Mayo.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Sa ulat ng ABS-CBN News, makikita si Ogie na nagsadya sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) nitong Martes, Hunyo 18, upang ihain ang kaniyang counter affidavit laban sa demanda ng aktres, kasama ang kaniyang legal counsel.

Sa episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Mayo 6, sinabi ni Ogie na bagama’t hindi siya galit kay Bea ay kailangan din niya umanong ipagtanggol ang sarili.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

“Ito, ha, sa totoo lang. Buksan n’yo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako naniniwala ako, karapatan niya ‘yan,” saad ni Ogie.

“Kung feeling niya e nasaktan natin siya, karapatan niya ‘yon. In the same way na syempre kailangan din naming idepensa ‘yong aming sarili at ipaglaban kung ano ‘yong para sa amin ay fairness sa amin,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “Wala akong naramdamang galit. Kasi hindi naman ho ‘yan ngayon lang nangyayari ‘yong ganyan sa amin lalo na sa aming propesyon.“

Gayunpaman, sa kabila ng mga batikos na natatanggap, nagpapasalamat pa rin si Ogie sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa ginagawa niyang pagbabalita.

Noong Mayo 2, nagtungo si Bea sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel kina Ogie, mga kasamahan, gayundin kina Cristy Fermin at mga kasama nito.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, handang dumepensa sa demanda ni Bea