Tila may puwang na napunan sa pagkatao ng GMA trivia master at TV host na si Kuya Kim Atienza dahil sa nararating ng mga anak niya sa buhay.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hunyo 14, ibinahagi ni Kim ang mga natamong achievement ng kaniyang tatlong anak.

“Ang ‘yong inaanak [si Jose] nag-graduate sa top university sa Boston 2 weeks ago. Nanggaling kami sa Amerika,” saad ni Kuya Kim.

Ako naman, lagi kong pinangarap na makapag-aral abroad. Hindi ko kinaya, e. Hindi ko naabot,” wika niya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Dagdag pa niya: “Pero dahil naabot ng mga anak ko ‘yan—unang-una si Jose, si Eliana sophomore na ngayon, ‘yong pangatlo naman papasok na rin sa Amerika, fullfilled ako kasi parang ako na rin ‘yon.”

Gayunman, sa kabila ng magkakaibang landas na tinatahak ng kaniyang mga anak, proud na proud umano si Kuya Kim sa mga ito. 

Matatandaang kamakailan lang ay nasuspinde ang ikalawang anak ni Kuya Kim na si Eliana sa paaralang pinapasukan at pinaalis sa dormitoryong tinutuluyan sa Amerika dahil sa pagpapakita ng suporta sa Palestine laban sa Israel.

MAKI-BALITA: Kuya Kim may nilinaw tungkol sa estado ng anak sa school; suportado ng pamilya