Nagbigay ng paglilinaw si Kyline Alcantara tungkol sa naging lamat ng relasyon nila ng kapuwa niya Kapuso Sparkle artist na si Bianca Umali.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hulyo 10, nausisa si Kylie kung may kinalaman ba sa gusot nila ni Bianca si Kapuso actor Miguel Tanfelix.
"Kayo ni Bianca Umali, nagkaroon ba tlaga kayo ng conflict, ng away, dahil kay Miguel?" tanong ni Boy.
"No po," sagot ni Kyline. "Kaya nga po naging close kami ulit. Siyempre may mga misunderstanding, miscommunication, kaya po kami hindi naging okay ni Bianca at that time."
Dagdag pa niya, "Nothing to do with Miguel. [...] No'ng time na 'yon, akala namin [dahil kay Miguel]. Pero no'ng nakapag-usap na po kami ulit parang, ay wala naman pala, hindi naman pala dahil kay Miguel."
Kaya naman masaya raw si Kyline na direkta niyang kinausap si Bianca para mapakinggan ang panig ng isa't isa.
"And now, we're so close, we're so okay," dugtong pa niya.
Sa katunayan, ayon kay Kyline, nakapag-dinner pa nga raw siya sa bahay ni Bianca at pinagluto pa siya ng specialty nito na sinigang kasama ang boyfriend nitong si Ruru Madrid.
Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong 2023, isiniwalat ni Miguel na naka-date niya pareho sina Bianca at Kyline na naging co-star niya sa teleseryeng “Kambal, Karibal.”
Pero sa kasalukuyan, si Ysabel Ortega na ang bagong babae sa buhay ng aktor.