Inamin ng direktor at singer na si Bobot Mortiz na nahulog umano ang loob niya noon kay Star for All Seasons Vilma Santos.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Sabado, Hunyo 15, ikinuwento ni Bobot kung paano siya nainlab kay Vilma.

Ayon kay Bobot, ang superstar na si Nora Aunor daw talaga ang ka-love team niya pagkatapos niya umanong manalo sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Sumikat kami ni Ate Guy as love team pero dumating si Tirso [Cruz III]. Naging triangle kami. Dito nagsimula ‘yong mga fans [...] Nag-aaway ‘yong fans. May Guy and Pip tapos may Guy and Bobot,” pagbabahagi ni Bobot.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Tapos ang nangyari, nagkainlaban silang dalawa. So, natanggal ako. Na-etsa-pwera na ako. So ngayon syempre, balik ako sa kanta,” wika pa niya. 

Ngunit kalaunan, nakita umano niya si Vilma at nahulog daw agad ang loob niya sa aktres.

“Nakita ko ngayon si Vilma. Noong nakita ko siya, in love agad ako sa kaniya. Sabi ko, ito ang gusto kong maka-partner. So, ‘yon pinag-pictorial kami, tapos nag-recording din siya. Kaya nagsimula ‘yong loveteam namin nakalaban namin ‘yong Guy and Pip,” ani Bobot.

Gayunman, ayon pa kay Bobot, hindi raw niya namalayan na sikat sila. Kaaya lang naman daw kasi siya nasa eksena ay dahil inlab siya kay Vilma.