July 13, 2026

Home BALITA Metro

First tranche na ₱60 sa NCR wage hike, epektibo na sa Hulyo 15!

First tranche na ₱60 sa NCR wage hike, epektibo na sa Hulyo 15!
Photo courtesy: MB file photo

Magsisimula nang ipatupad sa Hulyo 25 ang unang bahagi ng ₱85 na dagdag sa minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng bagong wage order, unang matatanggap ng mga minimum wage earner ang ₱60 dagdag sa kanilang arawang kita, habang ang natitirang ₱25 ay ipatutupad naman sa Enero 2027 bilang ikalawang bugso ng umento.

Ayon sa DOLE, magkakabisa ang unang tranche, 15 araw matapos mailathala ang desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) para sa Metro Manila.

Tinatayang nasa 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila ang makikinabang sa dagdag-sahod sa sandaling ganap itong maipatupad.

Kapag naisakatuparan na ang kabuuang ₱85 wage hike, tataas sa P780 mula sa kasalukuyang ₱695 ang arawang sahod ng mga non-agricultural worker sa NCR. Samantala, aangat naman sa ₱743 mula ₱685 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Metro

₱60 na taas-sahod sa NCR, iuurong sa Hulyo 25–DOLE

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahang maglalabas din ng kanilang rekomendasyon hinggil sa posibleng wage adjustment ang mga regional wage board sa iba pang bahagi ng bansa simula Setyembre.

Bagama't nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng mga employer hinggil sa dagdag na gastusin na dulot ng wage increase, tiniyak naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na susunod ang mga negosyo sa kautusan ng pamahalaan.

Sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr. na may ilang negosyo na maaaring mahirapang tustusan ang dagdag na gastos, ngunit iginiit niyang susunod pa rin ang mga employer sa mandato ng DOLE.