Nakuryente ang isang fire volunteer habang nag-aapula ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Huwebes, Hunyo 13.

Nasa maayos namang lagay ang hindi na pinangalanang fire volunteer.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Batay sa inisyal na ulat mula sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-10:38 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ni Romualdo Oligario, sa Capulong Road, Brgy 108, Tondo.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong alas-12:06 ng tanghali.

Sa pagtaya ng BFP, nasa P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Patuloy namang inaalam ng arson investigators ang sanhi ng sunog.