May 16, 2026

Home BALITA Metro

Buwaya, nasagip sa Valenzuela!

Buwaya, nasagip sa Valenzuela!
Photo courtesy: DENR-National Capital Region/Facebook

Nasagip ang isang critically endangered crocodile sa katubigan ng Valenzuela City, base sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR).

Ayon sa DENR-NCR, nagsagawa ng aksyon ang City Veterinary Services Office (CVSO) at ang Compliance Monitoring and Enforcement Office ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North matapos mamataan ang isang Philippine freshwater crocodile (Crocodylus mindorensis), na kilala bilang “Bukarot."

Natukoy na nasa maayos na kondisyon ang buwaya na may tinatayang habang pitong talampakan at tatlong pulgada, at may bigay na humigit-kumulang 70 kilo. 

Upang matiyak ang kaligtasan at maibigay ang angkop na pangangalaga, agad na dinala ang hayop sa Biodiversity Management Bureau – Wildlife Rescue Center para sa masusing obserbasyon, pagsusuri, at rehabilitasyon.

Dagdag pa ng ahensya, "Ang Philippine freshwater crocodile ay isa sa pinakabihirang uri ng buwaya sa mundo at nakalista bilang Critically Endangered sa IUCN Red List of Threatened Species. Tinatayang wala pang 250 mature individuals ang nananatili sa ligaw, na matatagpuan sa pira-pirasong tirahan sa Hilagang Luzon at ilang bahagi ng Mindanao."

Metro

PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX

"Ang species na ito ay mahigpit na pinoprotektahan sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, na nagbabawal sa paghuli, pagpatay, at ilegal na pag-aalaga ng mga wildlife species."