Pinagsabihan ng SB19 member na si Pablo ang kanilang fans matapos kuyugin ng mga ito ang volleyball player na si Sisi Rondina dahil hindi nito kilala ang naturang P-pop male group.

Sa X post ni Pablo nitong Lunes, Hunyo 11, pinaalala niya sa lahat kung bakit tinawag na “ATIN” ang fandom nila.

“To A’tin, salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinibigay n’yo sa amin. Wala kami, kung wala kayo. Sana lagi n’yong tandaan kung bakit “ATIN” ang pangalan ng fandom natin. We share our victories. Sa ATIN lahat ‘to!” saad ni Pablo.

"Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin. Hindi sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT'S FINE! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa niya: "Lahat tayo may effort na iangat ang Pinoy. Hindi kailangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas kasi iisa lang rin naman ang goal natin.”

Sa huli, sinabi ni Pablo na proud sila at nirerespeto ang bawat Pilipino na nagsisikap na iangat ang bansa sa iba’t ibang larangan tulad sa musika at sports.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Sisi sa fans ng SB19 na na-offend sa pamamagitan ng isang TikTok live.