Isang lalaki ang patay nang saksakin ng kanyang kinakasama sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway sa Sta. Ana, Manila, maghahatinggabi nitong Linggo.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Cecilio Lopez II, 25, ng Pasigline St., Sta. Ana, ngunit binawian din ng buhay dahil sa isang tama ng saksak sa kanyang dibdib.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Samantala, arestado at mahaharap sa kasong pagpatay sa piskalya ang suspek na si Rhaiza Alonzo, 25, live-in partner ng biktima, at residente rin ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni PCMS Boy Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong alas-11:35 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-live-in partner.

Nauna rito, sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima.

Sa kasagsagan ng argumento, bigla na lang umanong kumuha ang suspek at kaagad na itinarak sa dibdib ng kinakasama.

Kahit sugatan, nagawa pa ng biktima na lumabas ng kuwarto at humingi ng tulong sa mga kaanak at kapitbahay kaya’t mabilis itong isinugod sa pagamutan, ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Kasalukuyan naman nang nakapiit ang suspek, matapos na maaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Dagonoy Police Community Precinct (PCP).